LIQUID ECSTASY | Mga TNVS, ginagamit umano ng drug lord sa NBP para ipakalat ang bagong diskubreng droga – PDEA

49

Manila, Philippines – Gumagamit umano ang hindi pa tinukoy na drug personality sa New Bilibid Prison ang Transport Network Vehicles Service para mai-deliver ang supply ng liquid ecstasy na nakumpiska sa isang condominium sa Mandaluyong City.

Sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino, mas mabagsik ang bisa ng bagong variety ng ecstasy kumpara sa ibang illegal drugs.

Aniya, tumatagal ang bisa ng illegal drugs ng hanggang 30 minuto sa taong gumagamit nito at ang tama nito ay mistulang sinapian batay sa aktwal na video footage na bakuha ng PDEA sa pagsalakay na isinagawa sa condominium.

Ang karaniwang gumagamit nito ay mga taong may kaya sa lipunan.

Facebook Comments