HINIGPITAN | Monitoring sa mga lugar na binaha dahil sa local thunderstorm sa Camarines Sur, mas pinaigting

30

Camarines Sur – Patuloy ang monitoring ngayon ng lokal na pamahalaan matapos ang biglaang malakas na ulan na dulot ng local thunderstorm.

Sa ngayon ay inaalam pa ng NDRRMC, kung may mga natangay dahil sa mabilis na ragasa ng baha o naanod na bahay sa mga gilid ng ilog at sapa.

Apela naman ni Office of Civil Defense Director Cludio Liucot, sa lahat ng mga mamamayan na maging alerto sa anumang biglang kalamidad.

Nagpaabot naman ng tulong ang PDRRMO sa mga pamilya na pansamantalang inilikas kahapon.

Facebook Comments