Iniimbestigahan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang namataang liquid waste sa Manila Bay, malapit sa Manila Yacht Club.
Ininspeksyon na rin ng Marine Environmental Protection Group (MEPGRP) – Manila at ng PCG Sub-Station CCP ang suspected vessel na MV Sarangani kung saan ang naabutan nila ang oiler at caretaker nito na si Escolastico Bunyi.
Sa ocular inspection, natuklasan PCG na ang pinagmulan ng liquid waste ay ang cooling system ng MV Sarangani.
Nakakolekta na rin ng samples ang team at nag-isyu na ito ng Inspection Apprehension Report (IAR) sa may-ari ng MV Sarangani na si Emil Neri.
Partikular na nilalaman ng report ang paglabag nito sa PCG Memorandum Circular Number 01 – 2005 Paragraph 4 ng marine pollution.
Facebook Comments