Liquor ban, ibinalik ng QC-LGU upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 ngayong MECQ

Muling ibinalik ng Quezon City Government ang pagpapatupad ng liquor ban ngayong ibinalik sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, makatutulong ang muling pagpapairal ng liquor ban na ito para mapigil ang paglaganap ng virus sa mga komunidad na karaniwang nangyayari dahil sa pagtitipun-tipon ng mga tao.

Sinabi ng lady mayor na marami sa naitalang COVID-19 cases ay nakuha dahil ang isang nagpositibo ay galing sa drinking session sa public places.


Nakasaad sa kautusan ni Belmonte na pagmumultahin, sususpindihin o tuluyang tatanggalan ng permit o license ang mga establisyimentong lalabag sa kautusan.

Sakop din nito ang mga tindahan na may valid license to sell.

Gayunman, hindi naman sakop ng pagbabawal kung ang alcohol consumption ay gagawin sa loob ng pamamahay.

Unang ipinatupad sa lungsod ang liquor ban noong Enhanced Community Quarantine (ECQ) at ginawang partially lifted nang isailalim ang Metro Manila sa MECQ noong May 16, 2020.

Facebook Comments