Ipatutupad ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela ang “Liquor Ban” sa mga barangay na nakakasakop sa mga pampublikong sementeryo.
Kasama na rin ang mga barangay na may memorial park at kolumbaryo.
Partikular sa Barangay Karuhatan, Maysan, Lawang Bato, Arkong Bato, Palasan at Veinte Reales.
Ito’y para maiwasan ang kaguluhan sa gitna ng paggunita ng Undas kung saan ang liquor ban ay epektibo mula October 29, 2022 hanggang November 1, 2022.
Ang mga indibidwal na lalabag ay papatawan ng multang P1,000 at 24 hours na community service sa unang paglabag; P3,000 at 48 hours na community service sa ikalawang paglabag; at P5,000 kasama ang 72 hours na community service sa ikatlong paglabag.
Ang mga establisyemento na mahuhuling magbebenta ng alak ay papatawan ng P5,000 multa at suspensyon ng business permit sa unang paglabag; P10,000 multa sa ikalawang paglabag kabilang ang 24 hours na community service sa nagbenta o kaya sa may-ari at suspensyon ng business permit.
Sa ikatlong paglabag ay kakanselahin na ang business permit at papatawan pa ng multang aabot sa P15,000.00
Paalala naman ng Valenzuela LGU, ipnagbabawal ang anumang Halloween activities tulad ng trick-or-treat sa lahat ng lugar sa lungsod.