DOJ spokesman, itinanggi na may kinalaman siya sa suspension ni Gen. Gerald Bantag

Pinabulaanan ng tagapagsalita ng Department of Justice (DOJ) ang akusasyon ni suspended Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag na may kinalaman siya sa suspension nito.

Sinabi ni DOJ Spokesperson Atty. Mico Clavano na misguided lamang si Bantag nang sabihin nito sa media na may kinalaman siya sa suspensyon nito.

Una nang inihayag ni Bantag na natalo lamang sa bidding ng pagkain sa Bilibid ang ama ni Clavano kaya pinag-initan siya nito.


Ayon kay Clavano, hindi rin niya kilala si Bantag kahit bago pa siya napunta sa Department of Justice (DOJ).

Handa rin daw niya alalayan si Bantag hangga’t siya ay nasa DOJ upang harapin ang anumang mga paratang laban sa kanya.

Facebook Comments