Mahigpit na pinaalala ng mga otoridad ang Liquor Ban o ang ipinagbabawal na pagbebenta at pagbili ng alak o anumang mga nakakalasing na inumin alinsunod sa COMELEC Resolution 10905 bilang paghahanda sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023.
Simula ito ngayong araw ng Linggo, Oct. 29, 2023 mula kaninang alas dose ng madaling araw hanggang 11:59 PM ng October 30, pagkatapos mismo ng eleksyon.
Layon nitong makaiwas sa mga insidente o kaguluhang posibleng mangyari na dulot nito ay sanhi ng pagkonsumo ng mga nakakalasing na inumin habang nagaganap ang halalang pambarangay.
Ito ay upang maitaguyod ang kaligtasan ng mga residente at botante at makapagtapos ng isang maayos at malinis na botohan.
Sa Dagupan City, nakaalerto na rin ang mga kapulisan at mas pinaigting pa ang mga checkpoints kaugnay sa nasabing kaganapan.
Samantala, mahigit tatlong libong mga police personnel ang idineploy na sa buong Pangasinan nakaantabay sa BSKE 2023 sa darating October 30. |ifmnews
Facebook Comments