Sa kabila ng pag-sasailalim sa GCQ o General Community Quarantine sa Probinsiya ng Pangasinan mag-hihigpit pa rin ang ilang bayan sa Eastern Pangasinan sap ag-papatupad ng liquor ban o pag-babawal sa anumang klase ng mga nakakalasing na inumin. Sa katunayan nagpalabas ng ordinansa ang mga bayan ng San Quintin, Tayug, San Nicolas, Natividad at Sta. Maria ng istriktong pagpapatupad ng liqour ban.
Ayon kay San Quintin Mayor Clark Cecil Tiu, hangga’t hindi natatapos ang GCQ ay kanila paring ipapatupad ang liquor ban, ito ay upang maiwasan ang kumpulan ng mga tao at mapangalaagaan ang kanilang kalusugan. Sa ngayon, magpapatuloy sa pagmomonitor ang mga otoridad ukol sa mga nag-bebenta ng mga alak sa bawat bayan upang masigurong walang lalabag dito.