Tinanggalan ng lisensya ng baril si Negros Oriental 3rd District Representative Arnulfo “Arnie” Teves Jr.
Ayon kay Philippine National Police – Firearms and Explosives Office (PNP-FEO) Chief PCol. Kenneth Lucas, base sa isinagawang regular na inspeksyon ng FEO alinsunod sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, natuklasang kwestyonable ang mga dokumentong isinumite ni Rep. Teves para sa kanyang firearm license.
Dahil dito, binawi ng PNP-FEO ang kaniyang pribilehiyo na magkaroon ng lisensya ng baril at kinumpiska ang tatlong mahahabang armas at siyam na short firearms na nakarehistro sa mambabatas.
Agad namang isinuko ni Cong. Teves ang kaniyang mga armas sa PNP.
Facebook Comments