Lisensya ng baril ni Mayor Carlwyn Baldo, kinansela na ng PNP

1137

Kinansela na ni Police Director General Oscar Albayalde ang License to Own and Possess Firearms o LTOPF at Permit to Carry Firearms outside residence o PTCFOR.

Ito ay makaraan siyang kasuhan sa Albay Prosecutor’s Office ng Double Murder at Six Counts ng Multiple Frustrated Murder kasama ang iba pang suspek sa pagpatay kay Cong. Rodel Batocabe at police escort na si SPO2 Orlando Diaz.

Ayon kay Gen. Albayalde, na kanya na ring inirekomenda ang kanselasyon ng Deputation ni Mayor Baldo upang mawalan na siya ng Administrative Control sa Daraga PNP.

Giit ng Hepe ng pambansang Pulisya, na batay sa pahayag ng tatlong hawak nilang suspek at mga testigo si Mayor Baldo ang Mastermind sa krimen.

Sa katunayan ay limang milyong piso ang inalok sa kanila na kontrata ngunit 250, 000 pesos lamang ang naibigay na pinambili ng mga Baril at motorsiklo.

Unang binalak patayin si Batocabe sa DZJB Radio station at Hotel Venezia sa Legazpi City na malimit umanong pinupuntahan ng Kongresista ngunit hindi natuloy.

Ngunit natyempuhan noong December 22 sa Barangay Burgos, Daraga, Albay na kanyang ikinamatay.

Facebook Comments