Lisensya ng driver na nambangga ng estudyante sa Teresa, Rizal, pinakakansela na ng DOTR

Pinakakansela na ni Department of Transportation (DOTr) Acting Secretary Giovanni Lopez ang lisensya ng driver ng electric car na nambangga ng motorsiklong lulan ang isang estudyante sa Teresa, Rizal.

Kung saan inatasan na niya ang Land Transportation Office (LTO) na hanapin ang driver at maglabas ng showcause order ngayong araw upang i-revoke ang lisensya nito panghabang-buhay.

Sa panayam ng DZXL-RMN Manila kay Lopez, sinabi nito na walang karapatan ang abusadong driver na magmaneho sa kalsada dahil dapat alam nito ang tama.

Nais din ng kalihim na makausap ang biktima at pamilya nito at handa rin ang ahensya na magbigay ng tulong sa pagsasampa ng kaso laban sa driver.

Makikipag-ugnayan din ang Department of Transportation (DOTr) sa pulisya tungkol sa naganap na insidente.

Nag-ugat ang insidente matapos na magasgasan ng motorsiklo ang electric vehicle ng suspek dahilan para habulin niya ang biktima at tumbukin niya ito.

Facebook Comments