Tuluyan nang binawi ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya sa pagmamaneho ng truck driver na naging dahilan ng karambola ng maraming sasakyan sa Katipunan Road sa Quezon City,
Sa isang resolusyon na pirmado ni LTO Chief Assistant Secretary Teofilo Guadiz III, pinapanagot ang truck driver na si Franklin Caramihan dahil sa administratibong kaso na reckless driving.
Inatasan ng Intelligence and Investigation Division si Caramihan na isuko ang kaniyang ang driver’s license.
Nauna rito, noong umaga ng September 27, 2022, habang binabagtas ng truck ang bahagi ng Katipunan Flyover sa Brgy. Escopa 3 Quezon City ay nawalan ng kontrol si Caramihan sa minamaneho niyang truck na nagresulta sa multiple vehicle collisions at naging sanhi sa pagkasugat ng maraming katao, pagkasira ng mga sangkot na sasakyan at paghinto ng daloy ng trapiko ng ilang oras.
Lumitaw sa imbestigasyon na si Caramihan ay napatunayang nasa impluwensya ng alak nang mangyari ang aksidente sa daan.
Pinatawan din ng LTO ng ₱5,000 multa ang may-ari at operator ng truck ng Sky Dragon Steel Center Inc.