Lisensya ng mga driver na sangkot sa viral road rage incident sa EDSA Ortigas, suspendido ng 90 araw

Kinumpirma ng Transportation Department na suspendido ng 90 araw ang lisensya ng mga driver na sangkot sa viral road rage incident sa EDSA Ortigas.

Sa video, makikita ang gitgitan ng dalawang sasakyan at nagpakita pa ng ‘dirty finger’ ang isa sa pasahero ng Toyota Wigo.

Ipinatatawag na ng Land Transportation Office (LTO) ang mga driver at registered owner ng dalawang sasakyan para magpaliwanag kaugnay ng insidente.

Ayon sa Department of Transportation of the Philippines (DOTr), posibleng maharap ang dalawang driver sa mga kasong Reckless Driving, Obstruction at Improper Person to Operate a Motor Vehicle.

Facebook Comments