Nagbabala si Joint Task Force COVID Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar laban sa mga driver ng Public Utility Vehicles (PUVs) na hindi magpapatupad ng isang metrong distansya sa pagitan ng kanilang mga pasahero.
Ito ay matapos na panatilihin ang isang one-meter physical distancing rule sa mga public transportation hangga’t hindi nakapaglalabas ng desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa usapin.
Ayon kay Eleazar, maaaring kumpiskahin ng mga law enforcer ang lisensya ng mga tsuper na hindi susunod sa nasabing panuntunan.
Inutusan na aniya ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Camilo Cascolan ang lahat ng unit commanders na magtalaga ng police marshals na magsasagawa random checks sa mga terminal at loob mismo ng mga sasakyan.
Ang random checks ay pinangungunahan ng PNP-Highway Patrol Group.