Lisensyadong COVID-19 laboratories sa bansa, nadagdagan pa ng 5

Umaabot na sa 75 laboratoryo sa bansa ang binigyan ng lisensya para makapagsagawa ng independent testing para sa COVID-19.

Ito’y matapos makatanggap ng accreditation mula sa Department of Health (DOH) ang limang laboratory.

Ayon sa DOH, mayroong 55 accredited Polymerase Chain Reaction (PCR) facilities at 20 GeneXpert laboratories.


Ang mga bagong COVID-19 labs ay ang Fe del Mundo Medical Center, Health Delivery Systems, San Pablo District Hospital, at University of the Philippines (UP) Los Baños COVID-19 Molecular Laboratory.

Ang bagong GeneXpert facility ay Amai Pakpak Medical Center.

Mayroon pang 173 laboratories ang sumasailalim sa five-step accreditation process.

Sa ngayon, aabot na sa 738,502 individuals ang na-test para sa COVID-19 kung saan 7.3% ang positivity rate, mataas sa 5% target na itinakda ng World Health Organization (WHO).

Facebook Comments