Lisensyadong POGO sa bansa, nabawasan ngayong taon

Bumaba ang bilang ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na mayroong lisensya para makapag-operate sa bansa.

Sa ginanap na pagdinig ng House Committee on Ways and Means, sinabi ni Joseph Lobo ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na aabot na lamang sa 39 na POGO ang may lisensya mula 63 noong 2019 at 53 noong 2020.

Mula naman aniya sa 39 na POGO licensees, 27 lamang ang kasalukuyang operational bunsod na rin ng epekto ng COVID-19 pandemic.


Pagdating naman sa accredited service providers, nasa 146 ang bilang ng PAGCOR ngayong 2021 na mababa rin sa 228 noong 2019 at 185 noong 2020.

Bumaba rin ang bilang ng mga POGO worker ngayong taon na nasa kabuuang 31,816 kumpara sa 120,000 noong 2019 at 50,259 noong 2020.

Facebook Comments