Inilabas ng Malacañang ang updated na listahan o ika-12 regular foreign investment negative list na naglalaman ng mga investment area o mga aktibidad kung saan maaaring mamuhunan ang mga dayuhan sa bansa, maging ang mga investment area na limitado lamang para sa mga Pilipino.
Sa ilalim ng Executive Order No. 175, hindi pa rin maaari ang foreign equity sa mga sumusunod:
• mass media at internet business
• practice of profession maliban sa ilang kaso na partikular na pinapayagan ng batas
• retail trade enterprises na mayroong paid-up capital na mas mababa sa ₱25 million
• cooperatives
• mga organisasyon at operasyon ng private detectives, watchmen o security guard agencies
• small scale mining
• utilization ng marine resource sa mga karagatan o katubigang sakop ng Pilipinas
Samantala, ilan lamang sa mga pinapayagan ang foreign equity ay ang mga sumusunod:
• 25% foreign equity sa private recruitement
• kontrata para sa konstruksyon ng defense-related structures
• hanggang 30% na foreign equity naman ang pinapayagan para sa advertising
• 40% para sa procurement ng infra projects
• exploration, development at utilization ng natural resources at iba pa
Pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kautusan noong ika-27 ng Hunyo, 2022.