LGU EMPLOYEE, BINARIL-PATAY SA TUGUEGARAO CITY

50
Kasalukuyan nang pinaghahanap ng pwersa ng PNP Tuguegarao City ang suspek na namaril at ikinamatay ng isang empleyado ng LGU sa Bassig St., Ugac Norte sa nasabing Siyudad.

Kinilala ang biktima na si Guerrero Matammu, 57 anyos, LGU employee at residente ng Arellano Ext, Tuguegarao City.

Sa imbestigasyon ng PNP Tuguegarao, dakong alas 8:20 ng gabi kanina, June 28, 2022, habang nakikipag-usap umano ang biktima sa kanyang pinsan na si Ruiz Mabborang sa isang tindahan ng karne ay bigla na lamang siyang nilapitan at pinagbabaril sa ibat ibang bahagi ng katawan ng apat hanggang limang beses ng hindi pa nakikilalang suspek.

Agad na binawian ng buhay ang biktima dahil sa mga tinamong tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan.

Kaagad namang tumakas ang salarin patungo ng timog direksyon ng Bassig Street, Ugac Sur, Tuguegarao sakay ng kulay itim na Honda wave na walang plaka.

Kaagad ipinag utos ni Tuguegarao City Chief of Police, PLTCOL EDITH NARAG ang pagsasagawa ng manhunt operation laban sa naturang suspek habang patuloy ang imbestigasyon sa naturang insidente.

Facebook Comments