Listahan Naman Ng Narco-Celebrities, Hindi Pa Muna Ilalaba

12

MANILA – Hindi muna ilalabas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko ang listahan niya ng mga artistang sangkot sa iligal na droga.Ayon kay Pangulong Duterte, nasa dalawa hanggang tatlong pulgadang kapal na ang hawak niyang listahan ng mga personalidad, indibidwal, celebrities at mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa ipinagbabawal na gamot.Dagdag pa nito, hindi na niya alam kung ano ang gagawin sa mga taong sangkot sa drug trade dahil imposibleng kasuhan bawat isa sa mga ito dahil tiyak na aabutin ito ng siyam-siyam sa korte.Kaugnay nito, sinabi ng Pangulo na gusto muna niyang konsultahin ang senado at kongreso para makahingi siya ng suhestyon kung ano ang pinakamabisang gawin para malutas ang matinding problema ng bansa sa iligal na droga.

Facebook Comments