Pagpasok Sa Visiting Forces Agreement Sa Japan, Wala Sa Plano Ng Pangulo

10

MANILA – Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang balak pumasok o bumuo ng isang Visiting Forces Agreement (VFA) sa Japan.Sa maiksing press conference bago ito umalis papuntang Japan, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi siya kumbinsido sa pangangailangan ng VFA sa Japan o sa alinmang bansa.Sinabi pa ng Pangulo na malinaw namang nakasaad sa konstitusyon ang pagsusulong ng independent foreign policy.Iginiit pa ng Pangulo na gusto niyang makita ang Pilipinas na wala nang banyagang sundalo maliban sa mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines o AFP.

Facebook Comments