Naghahanda na ang aabot sa 20 pribadong paaralan sa bansa na magsisimula na rin sa pilot run ng face-to-face classes sa lunes, November 22.
Ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones, nakapagsagawa na ng inspeksiyon ang mga Regional Offices maging ang mga Division Offices sa mga paaralang kalahok dito.
Kinabibilangan ang 20 ng mga sumusunod:
1. 100 Islands Cowboy Christian Learning Center
2. Our Saviour’s Foundation
3. Mother of Good Counsel Seminary
4. Academica de Meridien
5. Singapore School Clark
6. St. Anthony’s College
7. Oxmont Memorial Academy
8. Gamot Cogon Waldorf School Inc.
9. Sisters of Mary Schools Inc. – Boystown Levte
10. Notre Dame of Abuyog
11. Mt. Moriah Christian Academy
12. Metro Dipolog Baptist Academy
13. Deor & Dune Academe of Technology
14. St. Paul’s Institute of Technology
15. Xavier University Senior High School
16. Ato Padada Christian School
17. BEST College of Polomolok
18. Banga Evangelical Church Elementary School, Inc.
19. Midsavap Montessori Centre
20. New Moriah Adventist ES
Hindi pa naman maisama rito ang private school sa National Capital Region (NCR), Region 2, at CAR dahil na rin sa ilang konsiderasyon, gaya ng kakulangan sa dokumento o kaya ay naisama sa mas mahigpit na Alert Level 3 at 4.
Ngayong araw target ng DepEd na simulan ang orientation sa mga nakapasang pribadong eskwelahan, para sa ikakasang pilot implementation ng face to face classes.