Posisyon ni Pangulong Duterte laban sa Pharmally, mananatili ayon sa Malacañang

Nanindigan ang Malacañang na hindi nagbabago ang posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Kasunod ito ng pagkakaaresto ng Senate Sergeant-at-Arms sa magkapatid na opisyal ng Pharmally na sina Twinkle at Mohit Dargani.

Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, matagal ng sinasabi ng pangulo na kasuhan sa korte ang mga taga-Pharmally kung makikitaan g paglabag sa batas.


Nauna nang naaresto sa Davao City ang magkapatid na Dargani habang patungong Malaysia matapos silang ma-contempt ng Senado dahil sa pagtangging magsumite ng financial records ng kanilang kompanya.

Facebook Comments