Listahan ng alternatibong paraan para sa ligtas na pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon, inilabas ng DOH

Inilabas ng Department of Health (DOH) ang listahan ng alternatibo at ligtas na paraan ng pagdiriwang ng Pasko at pagsalubong sa Bagong Taon.

Inisa-isa ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje ang iba’t ibang paraan para makaiwas pa rin sa sakit na dala ng COVID-19 habang masayang ipinagdiriwang ang mga nasabing holiday.

Kabilang sa mga ito ang:


– Pagpalo sa tambol
– Pagbusina
– Pagpapa-ilaw ng glowsticks
– Pagpukpok ng kaldero
– Pag-alog ng alkansya
– Pagkumpas ng tambourine
– At pagpapatugtog ng malakas

Maliban dito, hinikayat din ni Cabotaje ang publiko na magsuot pa rin ng face mask habang nagsasaya ngayong kapaskuhan.

Samantala, ipinagbabawal ng DOH ang paggamit ng torotot o pito sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Anila, mas makakabuti kung iiwasan ng publiko ang paggamit ng pang-paingay na ginagamitan ng bibig dahil mas malaki ang tiyansang magbuga ito ng droplets na posibleng magdulot ng pagkalat ng COVID-19.

Facebook Comments