Listahan ng bilang ng mga pulis na gumagamit ng ilegal na droga, inilabas ng PNP-IAS

Manila, Philippines – Aabot sa 300 na pulis ang napag-alaman na gumagamit ng ilegal na droga.

Ito’y base sa datos na hawak ng Philippine National Police Internal Affairs Services (PNP-IAS) na kanilang ipinakita sa publiko.

Sa record din ng PNP-IAS, 293 na mga pulis na nakadestino sa iba’t-ibang lugar sa bansa ang nadiskubreng gumagamit ng iligal na droga simula July 2016 hanggang December 2017.


Ilan sa mga ito ay nasa mababang pwesto kung saan 119 na Police Officer-1, 68 ang Police Officers-2 at 57 ang mga PO3.

23 senior Police Officers-1, 10 Senior Police Officers-2, at 2 Senior Police Officers-3 ang kabilang din sa mga gumagamit ng iligal na droga habang ilan naman sa mga nag-positibo ay dalawang inspectors , isang chief inspector at isang superintendent.

Sa 293 sa mga ito, 221 na ang inirekomendang tanggalin sa serbisyo.

Nabatid na inilabas ng PNP-IAS ang record bago muling bumalik ang mga pulis sa kampaniya kontra iligal na droga ng administrasyon.

Facebook Comments