SISIKAPIN NA IPATUPAD | Libreng matrikula sa State Universities and Colleges, target na maipatupad ng CHED sa Hunyo

Manila, Philippines – Sisikapin ngayon ng Commission on Higher Education na maipatupad nila ang libreng matrikula sa State Universities and Colleges (SUCS) sa Hunyo.

Ayon kay CHED Officer-in-Charge Prospero De Vera III, una nilang aasikasuhin na maipatupad ang universal access to quality tertiary education act.

Sinabi pa ni De Vera, ang Implementing Rules and Regulations ay isinasapinal na ng ched para sa libreng matrikula sa SUCS.


Matatandaan na si De Vera ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte na mamahala sa CHED matapos magbitiw sa pwesto si Patricia Licuanan.

Facebook Comments