Listahan ng cold storage facilities, pinapaayos ng Kamara sa BPI

Pinapaayos ni House Committee on Agriculture and Food Chairman at Quezon Representative Wilfrido Mark Enverga sa Bureau of Plant Industry o BPI ang listahan nila ng cold storage facilities.

Dismayado si Enverga, makaraang lumabas sa pinamunuan nyang pagdinig na walang datos o hindi alam ng BPI kung ilan ang kabuuang cold storages sa bansa para sa sibuyas.

Para kay Enverga, malaking butas na hindi malaman kung nasaan ang suplay at kung sino ang posibleng mga nananamantala dahil walang listahan ng mga traders.


Sa kasalukuyan, mayroon lamang 151 na cold storage facility ang rehistrado sa BPI.

Katumbas ito ng 7.3 million metriko tonelada ng gulay, prutas at iba pang perishable items o mga produktong maaaring iimbak.

Facebook Comments