Bilang ng mga Pinoy na hinahanap sa Turkey, mahigit 200

48 mga Pilipino mula sa mga lugar na naapektuhan ng malakas na lindol sa Turkey ang pinaghahanap ngayon ng teams ng Philippine Embassy.

Pinangungunahan mismo ni Philippine Ambassador to Turkey Maria Elena Algabre ang paghahanap sa mga Pinoy na naapektuhan ng lindol.

Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng embahada sa Turkish authorities sa paghahanap sa mga Pilipino.


Ayon sa embahada, hindi sila nawawalan ng pag-asa at kumpiyansa sila na matutunton sa lalong madaling panahon ang mga Pinoy na hindi pa ma-contact sa ngayon.

Patuloy naman ang pagbibigay ng ayuda ng Filipino community sa mga kapwa-Pinoy na naapektuhan ng malakas na lindol sa Turkey.

Facebook Comments