Listahan ng mga estudyanteng nasawi sa Aksidente sa Tanay, Rizal – Posibleng ilabas na ngayong araw

39

MANILA, PHILIPPINES – Posibleng ilabas na ngayong araw ng Bestlink College ang pangalan ng kanilang mga estudyante na namatay sa pagsalpok ng tourist bus sa isang poste sa Tanay, Rizal.

 

Kasunod na rin ito ng pagtu-turn over ng tanay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa naturang paaralan ng pangalan ng mga namatay.

 

Ayon kay tanay MDRRMO Officer Bong Bati – ang Bestlink na ang bahalang maglalabas sa mga pangalan.

 

Sa ngayon, nasa 22 na katao pa aniya ang kasalukuyang ginagamot Amang Rodriguez Memorial Medical Center.

 

Kagabi ay umuwi na rin ang 21 katao at 25 na lamang ang nasa pagamutan mula sa kabuuang 62 na pasahero.

 

Karamihan sa mga biktima na nasa kritikal na kondisyon ay nagtamo ng laceration, bali sa katawan at head injury kayat kailangan nilang sumailalim sa x-ray at ct scan.



 

Facebook Comments