Listahan ng mga healthcare worker na makakatanggap ng booster shots, inihahanda na

Mayroon nang listahan ang Department of Health (DOH) ng mga healthcare worker na makakatanggap ng booster shots laban sa COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary and National Vaccination Operations Center chairperson Myrna Cabotaje, target na mabigyan ng booster shot ang 1.9 milyon na healthcare workers.

Aniya, masisimulan ng gobyerno ang pagbabakuna oras na maaprubahan ang Emergency Use Authorization (EUA) ng bakuna at mailabas ang rekomendasyon ng World Health Organization (WHO).


Tiniyak din ni Cabotaje na naghahanap na sila ng mga lugar na pwedeng isagawa ang pagbibigay ng booster shot.

Facebook Comments