Pagbili ng COVID-19 vaccine, huwag limitahan sa Western brand – DOH

Hindi lang dapat puro Western brand ng COVID-19 vaccine ang binibili ng pamahalaan.

Ayon kay Health Undersecretary at National Vaccination Operations Center Chairperson Myrna Cabotaje, ang lahat ng bakuna ay epektibo laban sa COVID-19.

Aniya, pinag-aaralan na rin naman kung gaano tumatagal ang immunity ng taong nakatanggap ng bakuna.


Iginiit din ni Cabotaje na tanging “colonial mentality” lamang ng mga Pilipino ang nagtutulak sa kanilang mamili ng brand partikular na sa Pfizer, Moderna, AstraZeneca, at Johnson & Johnson vaccines.

Facebook Comments