Manila, Philippines – Hindi pa maisasapubliko ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang hawak nilang listahan ng mga hukom, piskal, artista at taga-media na sangkot sa illegal na droga sa bansa.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, kailangan pa kasing dumaan sa masusing validation ang kanilang listahan.
Aniya, maraming kasong isinasampa nila laban sa mga nahuhuling drug suspect ang nababasura kahit malinaw naman at matitibay ang kanilang ebidensya.
Sinabi pa ni Aquino na maliban sa walang death penalty ay nababayaran pa ang mga hukom at piskal kaya malakas ang loob ng mga dayuhang sangkot sa ilegal na droga na mag-operate sa bansa.
Sa kabila nito, aminado si Aquino na hindi nila mai-prayoridad ang pag-validate sa drug watchlist ng mga hukom at piskal.
Maliban na lang aniya kung ipag-uutos ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.