Drug Suspect Patay 2 Pulis Wounded sa Buy Bust Operation sa Maguindanao

Patay ang isang Drug Suspect habang wounded ang dalawang pulis sa buy bust operation sa Datu Paglas Maguindanao alas 6 kagabi.
Kinilala ang nasawing suspect na si Thong Sambulawan Maido 44 anyos residente ng Brgy. Lipao Datu Paglas.
Sinasabing nagpanggap na mga buyer ng droga ang dalawang pulis, ngunit ng matunugan ng suspect ay agad nitong pinagbabaril gamit ang Caliber 45 pistol. Nagakapalitan ng putok , resulta ng kamatayan ng suspect ayon pa kay PD Maguindanao SSupt Ronald Briones .
Agad namang isinugod sa pinakamalapit na ospital ang mga sugatang pulis na may ranggong PO1 at PO2.
Nakumpiska sa pag iingat ng nasawing drug suspect ang 3 sachet ng shabu, baril, mga cellphones, XRM Motorcycle at mga drug paraphernalia..

Facebook Comments