Inilabas na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang listahan ng mga indibidwal na papayagang lumabas ng tahanan sa mga lugar na isasailalim sa granular lockdown simula sa huwebes, September 16.
Batay sa datos, ang mga alkalde sa city at munisipalidad ang magpapatupad ng granular lockdowns sa mga residential buildings, streets, blocks, puroks, subdivisions, at villages na sakop ng kanilang hurisdiksyon.
Tatagal ang granular lockdowns sa loob ng 14 araw.
Tanging ang mga healthcare worker at non-health personnel na nagtatrabaho sa mga ospitals, laboratoryo, at dialysis facilities sa kanilang institusyon ang papayagang lumabas at pumasok sa mga lugar na isasailalim sa granular lockdown.
Mawawalan naman ng kakayahan ang mga Authorized Persons Outside Residences (APOR) na makalabas ng tahanan dahil hindi na ito susundin.
Samantala, ang buong pwersa ng Philippine National Police (PNP) ang mangangasiwa ng kaayusan sa mga lugar na isasaialim sa granular lockdowns kung saan ang mga ito rin ang may kapangyarihang magpabalik-balik sa lugar.