Listahan ng mga likido na maaring ipasok sa MRT-3

Manila, Philippines – Inilabas ng Department of Transportation (DOTr) ang listahan ng mga likido na maaring dalhin sa loob ng mga istasyon ng Metro Rail Transit o MRT line 3.

Sa statement ng DOTr, ang mga bottled drinks, tubig at iba pang liquid substance ay ipinagbabawal sa mga tren lalo at naihahalo ito sa iba pang sangkap sa paggawa ng liquid bomb.

Gayumpaman, ang mga sumusunod na likido ay maaaring ipasok sa mga tren basta may validation at approval mula sa security personnel.
– Baby formula o breastmilk (kung ang pasahero ay may kasamang bata o sanggol
– Inuming tubig para sa mga bata o sanggol
– Lahat ng prescription at over-the-counter medications
– Inuming tubig, juice o liquid nutrition o gels para sa mga pasaherong may kapansanan o life condition
– Mga gel o frozen liquids na kailangan para mga may kapansanan o may medical condition
– Life-support at life sustaining liquids gaya ng bone marrow, blood products at transplant organs
– Mga medical at cosmetic items gaya ng mastectomy products, prosthetics breast, bra o shell na naglalaman ng gel, saline solution


Ayon sa DOTr – ang mga items na kinuha ng security personnel sa mga nakalipas na araw ay maibabalik sa mga pasahero basta dumaan sa proper verification sa station supervisor.

Nanawagan ang DOTr ng kooperasyon at pang-unawa sa riding public.

Facebook Comments