Listahan ng mga Magsasakang Nasalanta ng Kalamidad, Pinasusumite ni Isabela Gov. Albano

Cauayan City, Isabela- Hiniling ni Isabela Governor Rodito Albano III sa mga opisyal ng Municipal Agriculture Office na isumite ang listahan ng mga local farmers na may sinasakang isang (1) ektarya pababa na naapektuhan ng mga nagdaang mga bagyo.

Sa ginawang pagpupulong ng Gobernador kasama ang mga alkalde ng bawat munisipalidad sa Provincial Capitol, sinabi ni Gov Albano na ang listahan ay ibibigay nito sa tanggapan ng Department of Agriculture (DA) Region 2 para sa gagawing balidasyon.

Ang mga magsasakang kwalipikado ay mapapabilang sa P1 Bilyon na inilaang pondo ng DA para sa rehabilitasyon na ibinigay ni DA Sec. William Dar sa probinsya ng Isabela.


Hinimok naman ni Gov Albano III ang mga alkalde na maglatag ng Master Plan para sa relokasyon ng mga komunidad na naapektuhan ng nagdaang malawakang pagbaha.

Samantala, suportado ng Gobernador ang pagsasagawa ng dredging sa mga maliliit na ilog partikular sa mga nasa mabababang lugar upang maiwasan ang matinding pagbaha.

Facebook Comments