Listahan Ng Mga Ndf Consultants Na Pinaaresto Ni Pangulong Duterte, Hawak Na Ng Pnp

15

Hawak na ng Philippine National Police (PNP) ang listahan ng mga consultant ng National Democratic Front na pinaaaresto ni Pangulong Duterte Kabilang dito ang mag-asawang Wilma at Benito Tiamzon, Vic Ladlad, Edelberto Silva, Loida Magpatoc, Pedro Cudaste, Ernesto Lorenzo, Porferio Tuna at Renante Gamara. Nilinaw naman ng PNP na bunsod ng arrest warrant ang dahilan ng gagawing paghuli sa mga NDF consultants at hindi dahil sa nabigong peace talks. Kasunod nito inatasan na rin ni PNP Chief Bato Dela Rosa ang CIDG na magkasa ng operasyon upang madakip ang mga consultant ng NDF.

Facebook Comments