Anggulong Korean Mafia Sa Kaso Ni Jee Ick Joo, Kailangan Ng Malalimang Imbestigasyon –Doj

22

Premature na maituturing para kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang lumulutang ngayon na posibleng pagkakasangkot ng Korean mafia sa pagkamatay ng negosyanteng si Jee Ick Joo. Ayon kay Aguirre, makikipag-ugnayan sila mga Police Attache ng Korea para matukoy kung may nalalaman ba sila tungkol kay Jee. Nais din nilang malaman kung kidnap for ransom ba talaga ang pakay sa ilang insidente ng pagdukot sa mga Koreano o baka may mga kaaway ang mga ito ay kinasangkapan lamang ang ilang mga pulis. Nauna nang tinukoy ng PNP na kasama na sa kanilang inaalam ay ang posibleng pagkakasangkot ng Korean Mafia sa kaso ni Jee Ick Jo

Facebook Comments