Inilabas na ng Department of Health (DOH) ang listahan ng mga ospital na pwedeng gamitin bilang COVID-19 testing laboratory.
Ayon sa DOH, ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na ang gagawa ng hakbang para maitaas ang kapasidad o kakayahan ng mga ospital na makapag-sagawa ng test.
Sa ngayon kasi ay anim na laboratoryo pa lamang ang nakapagsasagawa ng full scale implementation (stage 5) ng COVID-19 testing, kabilang dito ang:
- Research Institute for Tropical Medicine
- Baguio General Hospital and Medical Center
- San Lazaro Hospital
- Vicente Sotto Memorial Medical Center
- Southern Philippines Medical Center
- University of the Philippines-National Institute of Health
Facebook Comments