Inilabas na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang listahan ng mga paliparang naapektuhan ng Bagyong Odette kung saan natigil ang mga biyahe.
Kinabibilangan ito ng; Roxas airport, Mactan – Cebu international airport, Antique airport, Bohol – Panglao international airport, Laguindingan airport, Ozamis airport at Caticlan airport.
Ilan sa mga paliparang ito ay walang suplay ng kuryente at nagkaroon din ng technical issues.
Maliban sa mga paliparang ito, apektado rin ng bagyo ang isang airport terminal sa Siargao.
Pero paliwanag ni Surigao del Norte First District Rep. Francisco Jose Matugas II, maayos na ang runway ng lugar kaya maayos na makakalapag ang mga eroplano at choppers na may sakay na relief goods.
Facebook Comments