Alam na ng mga Philippine National Police Regional Directors ang mga pasugalan sa kani-kanilang area o responsibility.
Kaya naman ayon kay PNP Chief General Archie Francisco Gamboa, wala nang dahilan para hindi agad makapagsagawa ng anti-illegal drug operation ang mga pulis.
Banta ni Gamboa, matatangal sa pwesto ang Police Commander na hindi magagampanan ang kanilang trabahong masawata ang iligal na sugal.
Giit ni Gamboa, lahat ng uri ng iligal na sugal ay pinapatutukan nya sa kanyang mga police commanders.
Para kay Gamboa, maituturing nyang hindi protektor ng iligal na sugal ang isang Police Commander kung hindi ito tumatangap ng anuman mula sa mga operator ng pasugalan.
Matatandaang nitong nakaraang linggo magkakasunod na inalis sa pwesto ni PNP Chief ang ilang opisyal ng National Capital Region Police Office o NCRPO dahil sa hindi masawata ang iligal na sugal sa ilang lungsod sa NCR.