Listahan ng mga pin-pointed critical areas na nasa landslide at flashflood prone, ilalabas ng DENR – MGB bilang paghahanda sa La Niña phenomenon

Nakatakdang maglabas ang Department of Environment and Natural Resources – Mines and Geosciences Bureau ng listahan ng mga kritikal na lugar sa bansa na nasa landslide at flashflood prone areas.

Ito ay bilang pagpapaigiting ng paghahanda ng pamahalaan sa papasok na La Niña Phenomenon sa buwan ng Agosto.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DENR Usec Dr. Carlos Primo David na dahil sa lawak ng coverage ng landslide at flashflood prone areas sa bansa ay hindi na ito sineseryoso ng mga apektadong residente.


Pero sa ilalabas aniyang bagong listahan, naka-pin point na ang mga lugar na nakitaan ng mataas na panganib sa pagbaha at pagguho ng lupa upang maalerto ang mga ito.

Bukod dito, paiigtingin din ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pakikipagtulungan sa Department of the Interior and Local Government (DILG) upang mahigpit na maipatupad ang no-build zone policy sa mga lugar na nasa danger areas.

Facebook Comments