Listahan ng mga smuggler na lumitaw sa pagdinig ng Senado, naibigay na kay President-elect Marcos

Ibinigay na ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III kay President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang listahan ng mga smuggler na lumitaw sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole ukol sa smuggling ng mga produktong agrikultural.

Ayon kay Sotto, sa kanilang pag-uusap kamakailan ay nakita niya ang pagkadismaya ni Marcos sa listahan at sa kaniyang mga ibinahaging impormasyon ukol sa smuggling sa Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC).

Bunsod nito ay umaasa si Sotto na kabilang ang smuggling sa mga problema sa sektor ng agrikultura na pagtutuunan ni Marcos Jr., sa kanyang gagawing pamumuno sa DA.


Sabi ni Sotto, nababalot umano ng korapsyon ang DA lalo na pagdating sa iligal na pag-angkat ng mga produktong agrikultural.

Facebook Comments