Listahan ng mga Tatanggap ng Cash mula DSWD, Sasailalim sa Balidasyon

Cauayan City, Isabela- Isasailalim sa balidasyon ng Department of Social Welfare and Development Field Office 02 (DSWD F02) ang tinatayang aabot sa 39,071 beneficiaries para sa Unconditional Cash Transfer (UCT) program ng nasabing ahensya sa mga pamilyang mahihirap.

Ang nabanggit na bilang ay ibinatay sa resulta ng Listahanan 2 noong 2015 na talaan ng pamilyang mahihirap ng DSWD.

Base sa datos, 219 na sambahayan ang ivavalidate sa probinsya ng Batanes; 13, 846 sa Cagayan; 16, 503 sa Isabela; 5, 833 sa Nueva Vizcaya, at 2, 670 sa Quirino.


Ayon kay Ginoong Reymund Ferrer, Regional Program Coordinator ng UCT, isasagawa ang balidasyon upang mas masala pa at matiyak na tanging ang mga karapat-dapat ang mapapabilang sa programa.

Dagdag pa niya, isusumite sa National Program Management Office ng UCT ang makakalap na datos mula sa balidasyon upang matukoy ang mga kwalipikadong mapapasama sa UCT- Listahanan.

Paglilinaw ni Ginoong Ferrer, tanging ang mga mahirap na sambahayan ng Listahanan na hindi kabilang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program’(4P’s) o Social Pension for Indigent Senior Citizens ang sasailalim sa balidasyon.

Kanyang binigyang diin na ang mapipili ay karagdagan sa 68, 099 na dati ng benepisaryo ng UCT-Listahan sa rehiyon dos.

Ito ay bukod pa sa UCT- Pantawid at UCT- Social Pension na nakatanggap na ng ayuda simula noong 2018 na unang taon ng implementasyong ng programa.

Sa kasalukuyan, 144 na validators na ang nai-deploy sa ilang munisipyo para mainterbyu ang mga pangalang napabilang sa mga potensyal na benepisaryo.
Parte ng balidasyon ay ang pagsusuri ng validators sa mga ilang dokumento katulad ng Birth certificate at ID ng respondents.

Kailangan ding litratuhan ang bahay at ang mismong respondents o benepisyaryo para sa dokumentasyon.

Sa pinakahuling datos, mahigit 2000 na ang kabuang bilang ng navalidate.

Ang UCT ay subsidiya na pinapatupad sa ilalim ng Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) law na nagalalayong matulungan ang mga mahihirap na mapagaan ang pangekonomiyang epekto ng TRAIN Law sa kanilang pang araw-araw na kabuhayan.

Facebook Comments