Listahan ng NICA ng mga sangkot sa agri smuggling, pinapalinaw ng isang senador

Iginiit ni Senator Joel Villanueva sa National Intelligence Coordinating Agency o NICA na bigyang linaw ang basehan ng kanilang listahan na ibinigay sa Senado ukol sa mga sangkot sa agricultural smuggling.

Napakahilaw para kay Villanueva ng report ng NICA dahil hindi suportado ng mga detalye at hindi rin naipaliwanag kung paano nabuo at na-validate ang listahan o isang pahinang paper matrix na walang kahit anong paliwanag.

Pahayag ito ni Villaneuva makaraang makasama sa kontrobersiyal na listahan si si Navotas Mayor Toby Tiangco.


Sabi ni Villaneuva, ang hirap isipin na kasama si Tiangco sa listahan dahil malinaw sa Committee Report ng Senado na mula 2016 hanggang 2021, apat na kaso lang ng smuggling ang nai-file sa korte na may probable cause kung saan dalawa sa mga ito ay Navotas City ang complainant.

Naniniwala si Villanueva na malinis sa intensyon at masigasig na commitment ni Mayor Toby na puksain ang smuggling sa Navotas kaya unfair sa kanya ang report ng NICA.

Binanggit din ni Villanueva na mahalagang mas mapagtuunan ng pansin ang executive at legislative recommendations na nakasaad sa committee report ng Senado upang mabigyang solusyon ang problema sa talamak na agricultural smuggling sa bansa.

Facebook Comments