Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na isusumite na nila sa Saudi Arabia Government pagkatapos ng Ramadan ang listahan ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na babayaran ng backwages.
Ayon sa DMW, sa unang linggo ng Mayo nila isusumite ang listahan sa kanilang counterparts.
Partikular ang listahan ng 10,000 na dating Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Saudi Arabia.
Tiniyak naman ng DMW na ngayong taon ay makukumpleto na ang pagbibigay ng unpaid claims ng OFWs.
Una nang hiniling ng Saudi government ang listahan ng Pinoy workers na hindi nabayaran nang malugi ang kanilang pinapasukang kompanya sa Saudi Arabia.
Facebook Comments