Listahan ng pangalan na posibleng papalit sa general manager ng MRT-3, naisumite na kay PBBM

Naisumite na kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang listahan ng mga pangalang maaaring pumalit bilang general manager ng Metro Rail Transit (MRT).

Kasunod ito ng pagsibak ni Transportation Secretary Vince Dizon kay MRT-3 GM Oscar Bongon dahil sa aberya sa escalator sa Taft Avenue Station.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, hawak na ng Presidential Management Staff ang listahan at hinihintay na lamang kung sino ang mapipili ng pangulo.


Ang pagpapalit kay Bongon ay bahagi ng pagpapabuti ng serbisyo ng MRT-3 para sa mga komyuter.

Kahapon ay nag-commute si Secretary Dizon para persona na ma-inspeksyon ang operasyon ng MRT-3.

Facebook Comments