Litrato ng persons of interest sa pagpatay sa isang empleyado ng DOLE, inilabas na

Manila, Philippines – Inilabas na ng Manila Police District o MPD ang mga litrato ng “persons of interest” sa pagpatay sa senior labor officer ng Department of Labor and Employment (DOLE) na si Helen Dacanay.

Matatandang na tinambangan si Dacanay noong Lunes ng hapon sa Malvar Street, sa Malate habang pauwi na sana kung saan Ligtas naman ang kasama nito sa sasakyan na ka-trabaho din niya sa DOLE.

Ipinakita sa media nina NCRPO Chief Debold Sinas at MPD director Bernabe Balba ang mga larawan ng apat na persons of interest sa pag-ambush kay Dacanay.


Inilabas na rin nila ang kuha ng CCTV sa lugar kung saan makikita ang dalawang lalaki na magkasama at namaril sa sasakyan ni Dacanay.

Ang dalawa ay nauna nang nakitang sakay ng kulay asul na motorsiklong Suzuki Shogun pero walang plaka, wala din silang helmet at nakasuot lamang ng sumbero.

May dalawa pang person of interest na ipinakita at isa dito ang point man o pointer umano, na nagmatyag daw sa paligid ng DOLE sa loob ng dalawang oras habang ang isa naman ang gumamit ng mga motorsiklo ng dalawang gunman matapos ang pamamaril.

Inaalam na ng Special Investigation Task Group na binuo ng MPD ang mga pagkakakilanlan ng suspek maging ang motibo sa krimen.

Facebook Comments