Shooting Incident, Naitala sa Magkahiwalay na Lugar sa Isabela!

*Cauayan City, Isabela- *Kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan ang dalawang lalaki matapos na pagbabarilin sa magkahiwalay na lugar sa Lalawigan ng Isabela.

Ganap na 8:45 kagabi nang unang pagbabarilin sa Brgy Roxas, Cordon, Isabela* si *Ignacio Cadiz Jr, nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Turod Sur, Cordon, Isabela.

Habang nagsasagawa ng pagpapatrolya ang PNP Cordon ay nakarinig ang mga ito ng putok ng baril na agad namang nirespondehan na nagresulta sa pagkakahuli ng suspek na si Marvin Oliver Hombrebueno, 34 anyos, may-asawa at residente ng San Antonio, Diffun, Quirino.


Lumabas sa kanilang imbestigasyon na nagkaroon umano ng mainit na pagtatalo ang biktima at suspek na nag udyok umano sa suspek na pagbabarilin ang hita ng biktima gamit ang isang unit ng Taurus Millennium G2 na agad namang isinugod sa ospital.

Dinala na sa kustodiya ng pulisya ang suspek para sa dokumentasyon at disposisyon.

Samantala, binaril naman pasado alas 10:00 kagabi ng hindi pa nakikilalang suspek ang isang lalaki na kinilalang si Randy Morillo, 47 anyos na residente ng Brgy. Cubag, Cabagan, Isabela.

Agad din isinugod sa ospital ang biktima matapos na pagbabarilin sa barangay Garita sa nasabing bayan na kalauna’y inilipat sa isang ospital sa Tuguegarao City.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para sa pagkakakilanlan at pagkakahuli ng suspek.

Facebook Comments