Litrato ni Mayor Isko na naka-dextrose habang nagtratrabaho, pinuna ng netizens

4990
Images from Johann Ortiz/JJASGH

Usap-usapan ngayon sa social media ang litrato ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na tuloy pa rin sa pagtratrabaho matapos ang isinigawang operasyon sa kaniyang ngipin.

Sa Facebook post ng Manila Public Information Office nitong Martes, makikitang pumipirma ng mga dokumento si Moreno sa loob ng opisina habang may dextrose na nakakabit sa kaniya.


Matatandaang sinabi ni Moreno sa idinaos na flag-raising ceremony sa Bonifacio Monument na nahihirapan siyang magsalita ng maayos dahil sa matinding sakit ng ngipin.

Bago sumailalim sa dental surgery, nag-livestream si Moreno at ikinuwento sa publiko na takot siya sa karayom.

“Tignan nga natin kung aaray ako, ang sakit ayoko ng karayom… Balik ako ng work after this, ooperahan daw ako,” pahayag ng alkalde.

Samantala, umani ng samu’t-saring reaksyon mula sa publiko ang larawang pinost ni Moreno.

Ayon sa mga Manilenyo, bilib sila kay Moreno sa kasipagan at dedikasyong ipinapakita pero nararapat lamang na unahin nito ang kaniyang kalusugan.

Screenshot via Facebook/Isko Moreno Domagoso
Screenshot via Facebook/Isko Moreno Domagoso

Hindi naman napigilan tumaas ng kilay ng ilang indibdiwal dahil masyado na umanong ‘OA’ ang ginagawa ng kampo ni Moreno.

Facebook Comments

From Advertisers