Litratong kuha ng netizen kay Angel Locsin, nag-viral na naman!

1095

Usap-usapan na naman sa social media ang aktres na si Angel Locsin matapos mag-viral ang mga picture nito na kuha ng isang netizen.

Umabot na ito sa 10,0000 shares, 3,000 reactions at higit 100 comments kung saan ipinahayag ng mga netizens ang kanilang paghanga sa aktres.

Matatandaang naging biktima si Angel ng body shaming dahil sa pagbabago sa kanyang figure pero marami pa rin ang nagtanggol at nagmamahal sa aktres.

Anila, mas lalong gumanda ang aktres dahil sa mga pagtulong na ginagawa niya sa mga nangangailangan.

Facebook Comments